Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 natutuwa ako ngayon, hindi dahil nalungkot kayo kundi dahil inakay kayo ng inyong kalungkutan sa pagsisisi. Ang kalungkutan ninyo ay ayon sa kalooban ng Diyos,* kaya hindi kayo napinsala dahil sa amin.

  • 2 Corinto 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 ako ngayon ay nagsasaya, hindi lamang dahil sa napalungkot kayo, kundi dahil napalungkot kayo tungo sa pagsisisi;+ sapagkat napalungkot kayo sa makadiyos na paraan,+ upang huwag kayong dumanas ng anumang pinsala dahil sa amin.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:9

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 714

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:9

      Ang kalungkutan ninyo ay ayon sa kalooban ng Diyos: O “Nalungkot kayo sa makadiyos na paraan.” Ibig sabihin, hindi lang nalungkot ang mga Kristiyano sa Corinto, kundi inakay sila ng kanilang kalungkutan sa pagsisisi. Sa naunang liham ni Pablo, sinaway niya ang kongregasyon sa pangungunsinti sa isang lalaking namimihasa sa seksuwal na imoralidad. (1Co 5:1, 2, 13) Dahil isinapuso ng kongregasyon ang pagtutuwid, nagkaroon sila ng tamang pananaw at itinigil ang pangungunsinti sa nagkasala. Isa pa, taimtim na nagsisi ang imoral na lalaki. (2Co 2:6-8; 7:11) Makadiyos ang kalungkutang naramdaman ng mga Kristiyanong ito dahil napakilos sila nitong humingi ng kapatawaran sa Diyos at ituwid ang ginagawa nila para maging kaayon ito ng kalooban niya.—Tingnan ang study note sa 2Co 7:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share