Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 7:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Tingnan ninyo kung ano ang naging epekto sa inyo ng inyong kalungkutan na ayon sa kalooban ng Diyos! Nilinis ninyo ang inyong pangalan, nagalit kayo, natakot, nanabik, at talagang nagsikap na itama ang mali!+ Ginawa ninyo nang tama ang lahat ng bagay para malutas ang problemang ito.

  • 2 Corinto 7:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sapagkat, narito! ang mismong bagay na ito, ang pagpapalungkot sa inyo sa makadiyos na paraan,+ kay laki ngang kasigasigan ang ibinunga nito sa inyo, oo, pagpapawalang-sala sa inyong sarili, oo, pagkagalit, oo, takot, oo, pananabik, oo, sigasig, oo, pagtatama ng mali!+ Sa lahat ng paraan ay ipinakita ninyong malinis kayo sa bagay na ito.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:11

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 582, 597, 716

      Ang Bantayan,

      12/1/1997, p. 14

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:11

      tama: O “malinis.” Sinunod ng mga taga-Corinto ang payo ni Pablo sa nauna niyang liham at inalis sa kongregasyon ang imoral na lalaki. (1Co 5:1-5, 13; tingnan ang study note sa 2Co 7:9.) Dahil dito, naging malinis na ulit ang kongregasyon at wala na silang anumang pananagutan sa kasalanan ng lalaki. Pero alam ni Pablo na para manatili silang malinis, kailangan nilang patuloy na magbantay laban sa seksuwal na imoralidad. Kaya sa bandang dulo ng liham niya, pinatibay sila ni Pablo na gawin ito.—2Co 12:20, 21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share