Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 8:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Dahil alam ninyo ang walang-kapantay na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na bagaman mayaman siya, naging mahirap siya alang-alang sa inyo,+ para yumaman kayo sa pamamagitan ng kahirapan niya.

  • 2 Corinto 8:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat alam ninyo ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na bagaman siya ay mayaman, nagpakadukha siya alang-alang sa inyo,+ upang yumaman+ kayo sa pamamagitan ng kaniyang karalitaan.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 8:9

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 621

      Ang Bantayan,

      2/15/1992, p. 16-17

      1/15/1992, p. 16-17

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:9

      bagaman mayaman siya, naging mahirap siya alang-alang sa inyo: Para mapasigla ni Pablo ang mga taga-Corinto na tumulong sa mga nangangailangan, pinayuhan niya sila na pag-isipan ang halimbawa ni Jesus ng pagsasakripisyo at pagkabukas-palad. Bago bumaba si Jesus sa lupa bilang tao, masasabing mayaman siya; espesyal siya sa kaniyang Ama at pinagpapala Niya siya. (Ju 1:14; Efe 3:8) Pero buong puso niyang iniwan ang napakaganda niyang kalagayan. (Ju 1:18; Fil 2:5-8) Iniwan niya ang tahanan niya sa langit para tumirang kasama ng di-perpektong mga tao na naghihirap, nagkakasakit, at namamatay. Isa pa, naging anak siya ng asawa ng isang mahirap na karpintero. (Tingnan ang study note sa Luc 2:24.) Simple lang ang naging buhay ni Jesus bilang tao. (Mat 8:20) Pero natubos niya ang sangkatauhan. Dahil sa pagkabukas-palad ni Jesus, yumaman sa espirituwal ang mga Kristiyano sa Corinto; nagkaroon pa nga sila ng pag-asang tumanggap ng mana sa langit. Kaya pinayuhan sila ni Pablo na tularan ang pagiging mapagbigay ni Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share