-
2 Corinto 8:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 pero mapupunan ng inyong labis sa ngayon ang kailangan nila at ng labis nila ang kailangan ninyo para magkaroon ng pagpapantay-pantay.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagpapantay-pantay: Sa konteksto, nagbigay ng tagubilin si Pablo tungkol sa paglikom ng tulong para sa “mga banal” sa Jerusalem at Judea na nangangailangan. (2Co 8:4; 9:1) Binanggit niya na dahil mas maykaya ang mga Kristiyano sa Corinto, puwede silang magbigay ng materyal na tulong mula sa labis nila para masapatan ang pangangailangan ng mga kapatid nila sa Judea. Kapag ginawa nila iyon, magkakaroon ng “pagpapantay-pantay.” Walang sinumang pinipilit na magbigay nang higit sa kaya nila.—2Co 8:12, 13; 9:7; tingnan ang study note sa 2Co 8:15.
-