Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 8:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Dahil ‘tapat kami sa pag-aasikaso sa lahat ng bagay, hindi lang sa paningin ni Jehova,* kundi pati sa paningin ng mga tao.’+

  • 2 Corinto 8:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sapagkat kami ay “matapat na naglalaan, hindi lamang sa paningin ni Jehova, kundi gayundin sa paningin ng mga tao.”+

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:21

      ‘tapat kami sa pag-aasikaso sa lahat ng bagay’: Para hindi mapintasan ang ministeryo ni Pablo, nag-iingat siya sa bawat bahagi ng buhay at paggawi niya. (2Co 6:3) Alam ni Pablo na pinipintasan at sinisiraan siya ng ilan sa kongregasyon sa Corinto para pahinain ang awtoridad niya bilang apostol. At naiintindihan niya na puwede itong maging mas malaking problema kapag pera na ang pinag-uusapan, kaya tiniyak niya sa kongregasyon na ipapadala niya si Tito, kasama ang dalawa pang mapagkakatiwalaang kapatid, para asikasuhin ang kontribusyon. (2Co 8:20, 22) Gusto ni Pablo na maging tapat hindi lang sa paningin ni Jehova, kundi pati sa paningin ng mga tao. Ginamit ni Pablo ang Kaw 3:4 bilang basehan ng ganitong mga kaayusan para hindi magduda ang mga kapatid kung nagamit sa tama ang nalikom na kontribusyon. Ginamit niya ang pananalita sa Septuagint, kung saan mababasa sa natitirang mga kopya sa ngayon: “Maglaan nang tapat sa paningin ng Panginoon at ng mga tao.”—Para sa pagkakagamit ng pangalan ng Diyos sa talatang ito, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 2Co 8:21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share