-
2 Corinto 9:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kaya naisip kong kailangan kong himukin ang mga kapatid na maunang pumunta sa inyo para maihanda nang patiuna ang bukal-sa-pusong kontribusyon na ipinangako ninyo; sa gayon, ito ay magiging isang regalo na ibinigay nang bukal sa puso at hindi sapilitan.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi sapilitan: Ang salitang Griego na isinalin ditong “sapilitan” ay kadalasan nang isinasaling “kasakiman.” (Luc 12:15; Ro 1:29; Efe 4:19; 5:3; Col 3:5) Kaya ipinapakita ng ekspresyong Griego na ito na hindi kasakiman ang motibo ni Pablo at ng mga kamanggagawa niya sa paglikom ng kontribusyon. Hindi pinilit ni Pablo ang mga Kristiyano sa Corinto na magbigay ng tulong. Wala siyang ginawa para maramdaman nila na sinasamantala sila o kinikikilan. Dapat na masaya at bukal sa puso ang pagbibigay.—2Co 9:7.
-