-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kahit namumuhay kami gaya ng ibang tao: Masasabing namuhay na gaya ng ibang tao si Pablo at ang mga kamanggagawa niya, gaya nina Apolos at Cefas (Pedro) dahil may mga limitasyon din sila at di-perpekto. (1Co 1:11, 12; 3:4, 5) Pero sa espirituwal na pakikipagdigma, hindi sila naging gaya ng mga tao sa sanlibutang ito, ibig sabihin, hindi sila nagpagabay sa makalamang pagnanasa at motibo at pilipit na pangangatuwiran ng mga tao.
hindi kami nakikipagdigma: Lit., “hindi kami sumasali sa hukbo.” Gaya ng mababasa sa 2Co 10:3-6, madalas na gumagamit si Pablo ng mga terminong ginagamit sa digmaan kapag inilalarawan niya ang espirituwal na pakikipagdigma nila ng mga kapananampalataya niya para protektahan ang kongregasyon mula sa mapaminsala at maling mga pangangatuwiran at turo.—1Co 9:7; Efe 6:11-18; 2Ti 2:4; tingnan ang study note sa 2Co 10:4, 5.
-