Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 10:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Dahil ibinabagsak* namin ang maling mga pangangatuwiran at bawat bagay na humahadlang sa mga tao na magkaroon ng kaalaman sa Diyos,+ at binibihag namin ang bawat kaisipan para maging masunurin ito sa Kristo;

  • 2 Corinto 10:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sapagkat itinitiwarik namin ang mga pangangatuwiran at bawat matayog na bagay na ibinangon laban sa kaalaman sa Diyos;+ at dinadala namin sa pagkabihag ang bawat kaisipan upang gawin itong masunurin sa Kristo;

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:5

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      6/2019, p. 8-13

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1427-1428

      Ang Bantayan,

      8/15/2013, p. 27

      2/15/2010, p. 12-13

      10/1/1999, p. 11

      2/1/1994, p. 12

      2/1/1987, p. 13

      Gumising!,

      6/8/1994, p. 21

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:5

      ibinabagsak namin ang maling mga pangangatuwiran at bawat bagay na humahadlang sa mga tao: Sa espirituwal na pakikipagdigma sa loob ng kongregasyon, kailangang ibagsak, o itiwarik, ng mga Kristiyano ang anumang maling pangangatuwiran o turo. Ang mga ito at ang iba pang mga hadlang ay gaya ng matataas na pader na humaharang sa mga tao na gustong magkaroon ng tumpak na kaalaman sa Diyos. Kahit sa loob ng kongregasyong Kristiyano, may “nakapipinsalang mga kaisipan” na puwedeng makahadlang sa isang tao na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. (Mar 7:21) Walang magagawa ang literal na mga espada at sibat laban sa ganitong mga pangangatuwiran, kaya ang kasama sa “mga sandata [natin] sa pakikipagdigma” ay “ang espada ng espiritu, ang salita ng Diyos.” (2Co 10:4; Efe 6:17) Sa paggamit ng espadang ito, nailalantad ng mga Kristiyano ang mga maling doktrina, nakapipinsalang kaugalian, at pilosopiya ng tao.—1Co 2:6-8; Efe 6:11-13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share