-
2 Corinto 10:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Dahil sinasabi nila: “Ang mga liham niya ay may awtoridad at mapuwersa, pero mahina naman siya kapag kaharap natin at walang kuwenta ang sinasabi niya.”
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Dahil sinasabi nila: Lumilitaw na ang pananalitang kasunod nito ay galing sa mga kritiko ni Pablo sa Corinto, posibleng sa “ubod-galing na mga apostol” o sa mga naimpluwensiyahan nila. (Tingnan ang study note sa 2Co 11:5.) Sinasabi nila na “mahina . . . siya kapag kaharap [nila] at walang kuwenta ang sinasabi niya.” Pero sa Listra, napagkamalan ng mga taga-Licaonia si Pablo na si Hermes, isang diyos sa Griegong mitolohiya na magaling magsalita. (Tingnan ang study note sa Gaw 14:12.) Makikita rin sa mga pahayag ni Pablo na nakaulat sa aklat ng Gawa kung gaano siya kahusay magsalita. (Gaw 13:15-43; 17:22-34; 26:1-29) Kaya lumilitaw na ang sinasabi ng mga kalaban ni Pablo sa Corinto ay hindi lang masakit at walang galang, wala pa itong basehan.
kapag kaharap natin: Ginamit dito ni Pablo ang terminong Griego na pa·rou·siʹa para tumukoy sa panahong kasama niya ang mga kapatid, hindi sa pagdating niya. Limang beses pa itong ginamit sa ganito ring diwa sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (1Co 16:17; 2Co 7:6, 7; Fil 1:26; 2:12) Ito rin ang salitang Griego na ginamit para tumukoy sa di-nakikitang presensiya ni Jesu-Kristo. (Mat 24:3; 1Co 15:23) Kahit na ang presensiya ni Jesus ay tinumbasan ng “pagparito” sa maraming salin, ang saling “presensiya” ay sinusuportahan ng pagkakagamit ni Pablo sa salitang Griegong ito.—Tingnan ang study note sa 1Co 15:23; 16:17.
-