Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pagtiisan sana ninyo ako kahit parang wala ako sa katuwiran. Pero sa totoo lang, pinagtitiisan na ninyo ako!

  • 2 Corinto 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Nais ko sanang pagtiisan ninyo ako sa kaunting kawalang-katuwiran.+ Ngunit, sa katunayan, pinagtitiisan nga ninyo ako!

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:1

      kahit parang wala ako sa katuwiran: Alam ni Pablo na puwede siyang magmukhang wala sa katuwiran dahil sa mga ipinagmamalaki niya. (2Co 11:16) Pero kinailangan niyang ipagtanggol ang pagiging apostol niya sa dulong bahagi ng 2 Corinto. (Sa katunayan, sa 2Co 11 at 12, walong beses na ginamit ni Pablo ang mga salitang Griego na aʹphron at a·phro·syʹne na isinaling “wala sa katuwiran” at “hindi makatuwiran”: 2Co 11:1, 16, 17, 19, 21; 12:6, 11.) Iniimpluwensiyahan ng “ubod-galing na mga apostol” ang kongregasyon na huwag igalang si Pablo at ang mga itinuturo niya. Dahil diyan, napilitan si Pablo na magmalaki para maipagtanggol ang kaniyang bigay-Diyos na awtoridad. (2Co 10:10; 11:5, 16; tingnan ang study note sa 2Co 11:5.) Kaya hindi masasabing wala sa katuwiran ang pagmamalaki ni Pablo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share