-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ubod-galing na mga apostol: Ang ekspresyong ginamit dito ni Pablo ay puwede ring isaling “napakagagaling na apostol.” Medyo sarkastiko ang pagkakalarawan niya sa mayayabang na lalaking ito na maliwanag na nag-iisip na nakatataas sila sa mga apostol na inatasan mismo ni Jesus. Tinawag sila ni Pablo na “huwad na mga apostol” dahil ang totoo, mga ministro sila ni Satanas. (2Co 11:13-15) Itinuturo nila ang sariling bersiyon nila ng mabuting balita tungkol kay Kristo. (2Co 11:3, 4) Minamaliit at sinisiraan din nila si Pablo; kinukuwestiyon nila ang bigay-Diyos na awtoridad niya bilang apostol.
-