-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
para mawalan sila ng dahilang magyabang: Ayaw tumanggap ni Pablo ng pinansiyal na tulong mula sa kongregasyon sa Corinto. (2Co 11:9) Pero lumilitaw na tumatanggap ng ganoong tulong ang “ubod-galing na mga apostol” sa Corinto, at sinasabi nila na si Pablo ay hindi isang apostol dahil mayroon siyang sekular na trabaho. (2Co 11:4, 5, 20) Naghahanap kasi sila ng dahilan para masabing “kapantay” sila ng mga apostol. Posibleng ang pagyayabang nila ay tumutukoy sa pag-aangkin nilang mga apostol sila. (2Co 11:7) Sa dulo ng kabanatang ito at sa kabanata 12, idiniin ni Pablo ang mga kuwalipikasyon niya bilang apostol para ipakita na walang basehan ang sinasabi nila. Tahasan din niyang sinabi na ang “ubod-galing na mga apostol” na ito ay “huwad na mga apostol, . . . na nagkukunwaring mga apostol ni Kristo.”—2Co 11:13.
-