-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hebreo . . . Israelita . . . Supling . . . ni Abraham: Ipinapaliwanag dito ni Pablo ang pinagmulan niyang lahi, posibleng dahil ipinagmamalaki ng ilan sa mga kritiko niya sa Corinto ang kanilang pagiging Judio. Una, binanggit niya na isa siyang Hebreo, posibleng para idiin na ninuno niya ang mga Judiong gaya nina Abraham at Moises. (Gen 14:13; Exo 2:11; Fil 3:4, 5) Posible ring sinabi niya na Hebreo siya dahil nakakapagsalita siya ng Hebreo. (Gaw 21:40–22:2; 26:14, 15) Ikalawa, binanggit ni Pablo na isa siyang Israelita, isang terminong tumutukoy minsan sa mga Judio. (Gaw 13:16; Ro 9:3, 4) Ikatlo, espesipikong binanggit ni Pablo na ninuno niya si Abraham. Idiniin niya na kasama siya sa mga tagapagmana ng mga pangako ng Diyos kay Abraham. (Gen 22:17, 18) Pero sinabi niya rin na hindi ito ang mga bagay na pinakamahalaga.—Fil 3:7, 8.
Supling: O “Inapo.” Lit., “Binhi.”—Tingnan ang Ap. A2.
-