-
2 Corinto 11:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 Sa lunsod ng Damasco, nagbabantay ang gobernador na nasa ilalim ni Aretas na hari para mahuli ako,
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gobernador: O “etnarka”; lit., “tagapamahala ng bansa.” Isang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego na e·thnarʹkhes, na isinalin ditong “gobernador.” Isa itong posisyon na mas mababa sa hari pero mas mataas sa tetrarka (tagapamahala ng distrito). (Tingnan ang study note sa Mat 14:1.) Pero sa paglipas ng daan-daang taon, nagkaroon ito ng iba’t ibang kahulugan. Ang gobernador na binabanggit dito ay kinatawan ni Haring Aretas sa Damasco, pero hindi tiyak kung ano ang lahi niya at eksaktong mga pananagutan.
Aretas na hari: Si Aretas IV ay isang Arabeng hari na namahala noong 9 B.C.E. hanggang 40 C.E. Ang kabisera niya ay ang Nabateanong lunsod ng Petra, na nasa timog ng Dagat na Patay, pero sakop din niya ang Damasco. Inilahad dito ni Pablo ang mga nangyari di-nagtagal matapos siyang makumberte sa Kristiyanismo. Sinasabi sa Gawa na “nagplano ang mga Judio na patayin” si Pablo. (Gaw 9:17-25) Sinabi naman ni Pablo na ang nagplano nito ay ang gobernador, o etnarka, ng Damasco, na nasa ilalim ng tagapamahalang si Aretas. Hindi nagkakasalungatan ang ulat ni Lucas at ni Pablo. Sinasabi ng isang reperensiya tungkol sa kasaysayan: “Ang mga Judio ang nagsulsol, ang Etnarka ang bumuo ng hukbo.”
-