-
2 Corinto 12:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 May kilala akong tao na kaisa ni Kristo. Labing-apat na taon na ang nakararaan, inagaw siya papunta sa ikatlong langit—kung sa pisikal na katawan man ito o hindi, hindi ko alam; Diyos ang nakaaalam.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tao: Hindi pinangalanan ni Pablo ang nakakita ng makahimalang pangitaing ito, pero maliwanag na ipinapahiwatig sa konteksto na siya ang taong ito. Bilang pagtatanggol ni Pablo sa pagiging apostol niya na kinukuwestiyon ng “ubod-galing na mga apostol” (2Co 11:5, 23), sinabi niya na nakatanggap siya ng “makahimalang mga pangitain at pagsisiwalat ng Panginoon” (2Co 12:1). Dahil walang binanggit ang Bibliya na iba pang tao na nakaranas ng ganito, lohikal na isiping si Pablo ang tinutukoy dito.
ikatlong langit: Sa Kasulatan, ang “langit” ay puwedeng tumukoy sa pisikal na langit o sa espirituwal na langit, kung saan nakatira si Jehova at ang mga anghel niya. (Gen 11:4; Isa 63:15) Pero puwede rin itong tumukoy sa isang gobyerno, pinamamahalaan man ito ng tao o ng Diyos. (Isa 14:12; Dan 4:25, 26) Dito, lumilitaw na inilalarawan ni Pablo ang isang pagsisiwalat tungkol sa hinaharap na nakita niya sa isang pangitain. (2Co 12:1) Sa Kasulatan kung minsan, inuulit nang tatlong beses ang isang bagay para idiin o pagtibayin ito. (Isa 6:3; Eze 21:27; Apo 4:8) Lumilitaw na ang “ikatlong langit” na nakita ni Pablo ay ang kataas-taasang gobyerno, ang Mesiyanikong Kaharian ng Diyos, ang gobyerno sa langit na binubuo ni Jesu-Kristo at ng 144,000 kasama niyang tagapamahala.—Isa 65:17; 66:22; 2Pe 3:13; Apo 14:1-5.
-