-
2 Corinto 12:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 —ang taong ito ay inagaw papunta sa paraiso, at may narinig siyang mga salita na hindi dapat bigkasin at hindi puwedeng sabihin ng tao.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
paraiso: Tatlong beses lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego na pa·raʹdei·sos. (Luc 23:43, tingnan ang study note; 2Co 12:4; Apo 2:7) May kahawig itong mga salita sa wikang Hebreo (par·desʹ sa Ne 2:8; Ec 2:5; Sol 4:13) at Persiano (pairidaeza). Ang tatlong salitang ito ay pangunahin nang tumutukoy sa isang magandang parke o sa isang tulad-parkeng hardin. Ang salitang “paraiso” sa kontekstong ito ay puwedeng tumukoy sa iba’t ibang bagay. (Tingnan ang study note sa 2Co 12:2.) Posibleng ang tinutukoy ni Pablo ay (1) ang literal na paraisong lupa sa hinaharap, (2) ang magandang espirituwal na kalagayan ng bayan ng Diyos sa bagong sanlibutan, o (3) ang kalagayan sa langit. Hindi ito dapat bigkasin, o pag-usapan, noong panahon ni Pablo dahil hindi pa iyon ang oras na itinakda ng Diyos para isiwalat ang katuparan ng layunin niya.
-