-
2 Corinto 12:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Narito! Ito ang ikatlong pagkakataon+ na handa na akong pumariyan sa inyo, gayunma’y hindi ako magiging pabigat. Sapagkat ninanasa ko, hindi ang inyong mga ari-arian,+ kundi kayo; sapagkat hindi dapat mag-impok ang mga anak+ para sa kanilang mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak.+
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ikatlong beses: Hindi ito nangangahulugang tatlong beses na aktuwal na dumalaw si Pablo sa Corinto. Tumutukoy ito sa tatlong pagkakataong handa siyang pumunta doon, pero may isang pagkakataon na hindi iyon naging posible. Una siyang dumalaw sa Corinto noong itinatag niya ang kongregasyon doon, at nanatili siya roon nang isa’t kalahating taon. (Gaw 18:9-11) Sa ikalawang pagkakataon, nagplano si Pablo na dumalaw sa kanila pero hindi iyon natuloy. (2Co 1:15, 16, 23) May mga patunay na napakaikli ng pagitan ng pagsulat ni Pablo sa 1 at 2 Corinto, kaya hindi posibleng makadalaw siya sa maikling panahong iyon. Isa pa, isang pagdalaw lang ang nakaulat sa aklat ng Gawa. (Gaw 18:1) Pero natuloy ang ikatlong beses na naghandang dumalaw si Pablo sa Corinto, na binanggit niya sa tekstong ito at sa 2Co 13:1, 2. Nakabalik siya sa Corinto noong mga 56 C.E., at doon niya isinulat ang aklat ng Roma.—Gaw 20:2, 3; Ro 16:1, 23; 1Co 1:14.
-