-
2 Corinto 12:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sapagkat natatakot ako na sa paanuman, kapag dumating ako,+ ay masumpungan ko kayong hindi gaya ng nais ko at sa inyo ay hindi ako maging gaya ng nais ninyo, kundi, sa halip, sa paanuman ay may hidwaan, paninibugho,+ mga pagkakagalit, mga pagtatalo, mga paninira nang talikuran, mga pagbubulungan, mga pagmamalaki, mga kaguluhan.+
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bulong-bulungan: O “tsismisan.” Ang salitang Griego dito ay tumutukoy sa pagtsitsismisan at pagkakalat ng negatibong impormasyon nang palihim. Dito lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griegong ito, pero ang kaugnay nitong salita, na isinasaling “mapagbulong,” ay ginamit sa Ro 1:29, kung saan mababasa ang iba’t ibang masasamang ugali (tingnan ang study note). Ang katumbas din nitong pandiwang Griego para sa “bumulong” ay may negatibong kahulugan sa salin ng Septuagint sa 2Sa 12:19 at Aw 41:7 (40:8, LXX).
-