-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maituwid kayo: O “maibalik kayo sa ayos.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang terminong Griego na ka·tarʹti·sis, na isinaling “maituwid.” Ginagamit ito at ang iba pang kaugnay na termino para ilarawan ang pagbabalik sa ayos ng isang bagay. Halimbawa, sa Mat 4:21, ginamit ang pandiwang ka·tar·tiʹzo para ilarawan ang ‘pagtatahi sa punit’ ng mga lambat. Sa Gal 6:1, ginamit din ang pandiwang ito para tumukoy sa pagtutuwid sa isang kapananampalataya na nakagawa ng maling hakbang. Ang kaugnay na pangngalang ka·tar·ti·smosʹ, na isinaling “ituwid” sa Efe 4:12, ay isang termino na ginagamit kung minsan sa medisina para ilarawan ang pagbabalik sa ayos ng isang buto, biyas, o kasukasuan.
-