-
Galacia 1:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Pero kahit pa isa sa amin o isang anghel mula sa langit ang magpahayag sa inyo ng mabuting balita na iba sa mabuting balita na ipinahayag namin sa inyo, sumpain siya.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sumpain siya: Nagbabala si Pablo sa mga Kristiyano sa Galacia na “may ilan” na “gustong pilipitin ang mabuting balita tungkol sa Kristo.” (Gal 1:7) Lumilitaw na itinataguyod ng mga lalaking ito ang tradisyong Judio sa halip na ang mensahe ng mabuting balita. Sinasabi ni Pablo na dapat “sumpain” ng mga Kristiyano ang sinuman, kahit pa mga anghel, na naghahayag ng mabuting balita na iba sa natanggap nila. Inulit niya ang babalang ito sa talata 9. Ang salitang Griego para sa “isinumpa” (a·naʹthe·ma) ay literal na nangangahulugang “itinalaga.” Noong una, tumutukoy ito sa mga ipinanatang handog na itinalaga, o ibinukod, bilang sagradong bagay para sa templo. Pero sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa isang bagay na ibinukod dahil sa pagiging masama nito. (1Co 12:3; 16:22; tingnan ang study note sa Ro 9:3.) Sa Septuagint, karaniwang ginagamit ng mga tagapagsalin ang salitang Griegong ito para tumbasan ang salitang Hebreo na cheʹrem, na tumutukoy sa isang bagay o tao na “karapat-dapat sa pagpuksa,” o itinalaga sa pagkapuksa.—Deu 7:26; 13:17.
-