-
Galacia 1:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 dahil hindi ko ito tinanggap mula sa tao at hindi ito itinuro sa akin ng tao, kundi isiniwalat sa akin ni Jesu-Kristo.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isiniwalat: Ginamit dito ni Pablo ang salitang Griego na a·po·kaʹly·psis, na literal na nangangahulugang “pagsisiwalat” o “paghahayag.” Gaya ng pagkakagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang ito ay madalas na tumutukoy sa pagsisiwalat ng Diyos at ni Jesus ng espirituwal na mga bagay sa mga tao. Sa talatang ito, sinabi ni Pablo na ang mabuting balitang ipinapangaral niya ay isiniwalat sa kaniya ni Jesu-Kristo mismo, hindi ng tao. Lalo pa nitong napagtibay na tunay na apostol si Pablo. Gaya ng ibang apostol, natutuhan ni Pablo ang mabuting balita at tinanggap ang atas niya mula mismo kay Jesus. (1Co 9:1; Efe 3:3) Sa sumunod na bahagi ng liham na ito, sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ng pangitain, inutusan siya ni Kristo na dalhin ang isyu ng pagtutuli sa mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem.—Tingnan ang study note sa Gal 2:2.
-