-
Galacia 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Bumalik ako dahil sa isang pagsisiwalat, at inilahad ko ang mabuting balita na ipinangangaral ko sa gitna ng mga bansa. Pero sa iginagalang na mga lalaki ko lang ito sinabi, para matiyak ko na ang ministeryong isinasagawa ko o naisagawa na ay may kabuluhan.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dahil sa isang pagsisiwalat: Binanggit dito ni Pablo ang isang detalye na hindi mababasa sa ulat ni Lucas sa aklat ng Gawa. (Gaw 15:1, 2) Lumilitaw na sa pamamagitan ng isang pagsisiwalat, si Pablo ay inutusan ni Kristo, ang ulo ng kongregasyong Kristiyano, na dalhin ang mahalagang isyu ng pagtutuli sa mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem. (Efe 5:23) Nangyari ang makasaysayang pagpupulong na iyon noong mga 49 C.E. Nang banggitin ni Pablo ang tungkol sa pagsisiwalat na ito, lalo pa niyang napatunayan na hindi totoo ang sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng Judaismo na hindi siya tunay na apostol. Bukod sa si Jesus mismo ang nag-atas kay Pablo, nagbigay pa siya ng mga tagubilin sa pamamagitan ng mga pagsisiwalat, na nagpapatunay na talagang apostol si Pablo.—Gal 1:1, 15, 16.
ipinangangaral: Ang salitang Griego para dito ay nangangahulugang “maghayag bilang isang mensahero sa publiko.” Itinatampok nito ang paraan ng paghahayag: karaniwan nang hayagan at sa publiko, sa halip na pagbibigay ng sermon sa isang grupo.—Tingnan ang study note sa Mat 3:1.
-