Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang totoo, nang makita nilang ipinagkatiwala sa akin ang pangangaral ng mabuting balita para sa mga di-tuli,+ kung paanong ipinagkatiwala kay Pedro ang pangangaral sa mga tuli—

  • Galacia 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit, sa kabaligtaran, nang makita nilang ipinagkatiwala+ sa akin ang mabuting balita para roon sa mga di-tuli,+ kung paanong taglay ito ni Pedro para roon sa mga tuli+—

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:7

      mga di-tuli: Tumutukoy sa mga di-Judio.

      kung paanong ipinagkatiwala kay Pedro: Ipinapakita dito ni Pablo na nagtutulungan ang mga nangunguna sa kongregasyon. (Tingnan ang study note sa Gal 2:9.) Kumbinsido ang lupong tagapamahala sa Jerusalem na ipinagkatiwala kay Pablo ang pangangaral sa mga di-Judio. Si Pedro naman ay pangunahin nang nangangaral sa mga Judio. Pero hindi naman ito nangangahulugang hindi puwedeng magtulungan sina Pablo at Pedro. Si Pedro ang nagbukas ng gawaing pangangaral sa mga Gentil. (Gaw 10:44-48; 11:18) At nagpatotoo rin si Pablo sa napakaraming Judio, dahil ang atas niya mula kay Kristo ay mangaral “sa mga bansa, gayundin . . . sa mga Israelita.” (Gaw 9:15) Parehong ginampanang mabuti nina Pedro at Pablo ang mga atas na ibinigay sa kanila. Halimbawa, naglakbay si Pedro pasilangan para mangaral sa Babilonya, na kilalá bilang sentro ng edukasyon para sa mga Judio at kung saan maraming Judio. (1Pe 5:13) Naglakbay naman si Pablo bilang misyonero pakanluran, at posibleng umabot pa nga siya sa Espanya.

      mga tuli: Tumutukoy sa mga Judio.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share