Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ginaya ng ibang mga Judio ang pagkukunwari niya, kaya kahit si Bernabe ay naimpluwensiyahan nilang magkunwari.

  • Galacia 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang iba sa mga Judio ay sumali rin sa kaniya sa pagkukunwaring+ ito, anupat maging si Bernabe+ ay napadala sa kanila sa kanilang pagkukunwari.

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:13

      Ginaya . . . ang pagkukunwari niya . . . magkunwari: Dalawang magkaugnay na ekspresyong Griego ang lumitaw dito, isang pandiwa (sy·ny·po·kriʹno·mai) at isang pangngalan (hy·poʹkri·sis). Noong una, parehong tumutukoy ang mga ito sa mga Griegong artista sa entablado na nakamaskara habang ginagampanan ang papel nila. Ang Griegong pangngalan na ginamit dito ay anim na beses na lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan at kadalasan nang isinasaling “pagkukunwari.” (Mat 23:28; Mar 12:15; Luc 12:1; 1Ti 4:2; 1Pe 2:1; para sa kaugnay na salitang “mapagkunwari,” tingnan ang study note sa Mat 6:2; Luc 6:42.) Ayon sa ilang diksyunaryo, ang pandiwang Griego na ginamit dito ay makasagisag, kaya isinalin itong “ginaya . . . ang pagkukunwari.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share