Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 ay nakaaalam na ang isang tao ay ipinahahayag na matuwid, hindi dahil sa pagsunod sa kautusan, kundi sa pamamagitan lang ng pananampalataya+ kay Jesu-Kristo.+ Kaya nananampalataya tayo kay Kristo Jesus para maipahayag tayong matuwid dahil sa pananampalataya kay Kristo at hindi sa pagsunod sa kautusan, dahil walang sinumang* maipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan.+

  • Galacia 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 yamang alam natin na ang isang tao ay ipinahahayag na matuwid,+ hindi dahil sa mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya+ kay Kristo Jesus, tayo man ay nanampalataya kay Kristo Jesus, upang tayo ay maipahayag na matuwid dahil sa pananampalataya kay Kristo,+ at hindi dahil sa mga gawa ng kautusan, sapagkat dahil sa mga gawa ng kautusan ay walang laman ang maipahahayag na matuwid.+

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:16

      Ang Bantayan,

      11/15/1989, p. 5

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:16

      ipinahahayag na matuwid: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pandiwang di·kai·oʹo at ang kaugnay nitong mga pangngalang di·kaiʹo·ma at di·kaiʹo·sis, na karaniwang isinasaling “ipagtanggol” o “pagtatanggol,” ay pangunahin nang nangangahulugang napawalang-sala ang isa kaya siya ay ipinahahayag at itinuturing nang matuwid. (Tingnan ang study note sa Ro 3:24.) Ang ilan sa mga kongregasyon sa Galacia ay naiimpluwensiyahan ng mga tagapagtaguyod ng Judaismo, na nagsisikap na patunayan ang kanilang pagiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ni Moises. (Gal 5:4; tingnan ang study note sa Gal 1:6.) Pero idiniin ni Pablo na sa pamamagitan lang ng pananampalataya kay Jesu-Kristo puwedeng magkaroon ng matuwid na katayuan ang isa sa harap ng Diyos. Isinakripisyo ni Jesus ang perpekto niyang buhay, at dahil diyan, maipapahayag ng Diyos na matuwid ang lahat ng mananampalataya kay Kristo.—Ro 3:19-24; 10:3, 4; Gal 3:10-12, 24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share