-
Galacia 2:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Kung itatayo kong muli ang mismong mga bagay na ibinagsak ko, ipinapakita ko na ako ay isang manlalabag-batas.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang mismong mga bagay na ibinagsak ko: Dating masigasig na tagapagtaguyod ng Judaismo si Pablo, at naniniwala siya noon na magkakaroon siya ng matuwid na katayuan sa harap ng Diyos kung susunod siya sa Kautusang Mosaiko. (Tingnan ang study note sa Gal 1:13.) Pero makasagisag niyang ibinagsak ang paniniwalang iyon nang maging Kristiyano siya. (Gal 2:15, 16) Sinasabi ng mga kaaway niya na maliligtas lang ang mga Kristiyano kung mahigpit nilang susundin ang Kautusan. (Gal 1:9; 5:2-12) Ipinapaliwanag dito ni Pablo na kung muli siyang magpapasailalim—o ang iba pang Judiong Kristiyano—sa Kautusang Mosaiko, parang itinatayo niyang muli ang “mismong mga bagay na ibinagsak” na niya. Gagawin niya ulit na manlalabag-batas ang sarili niya at patuloy na mahahatulang makasalanan ng Kautusang ito.—Tingnan ang study note sa Gal 3:19.
-