Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Dahil sa pamamagitan ng Kautusan, namatay ako may kinalaman sa Kautusan,+ nang sa gayon ay mabuhay ako para sa Diyos.

  • Galacia 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Kung tungkol sa akin, sa pamamagitan ng kautusan ay namatay ako sa kautusan,+ upang ako ay mabuhay sa Diyos.+

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:19

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      12/2021, p. 15

      6/2021, p. 31

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:19

      sa pamamagitan ng Kautusan, namatay ako may kinalaman sa Kautusan: Ang sinabi dito ni Pablo ay bahagi ng argumento niya na hindi siya magkakaroon ng matuwid na katayuan sa harap ng Diyos dahil sa “pagsunod sa kautusan.” (Gal 2:16) Nahatulan ng Kautusang Mosaiko si Pablo na makasalanang karapat-dapat sa kamatayan dahil hindi niya ito perpektong nasusunod. (Ro 7:7-11) Pero sinabi ni Pablo na “namatay [siya] may kinalaman sa Kautusan,” ibig sabihin, lumaya na siya mula sa Kautusan. Legal na natapos ang tipang Kautusan na iyon nang mamatay si Jesus sa pahirapang tulos. (Col 2:13, 14) Kaya nasabi ni Pablo sa liham niya sa mga Kristiyano sa Roma na sila rin ay “ginawang patay sa Kautusan sa pamamagitan ng katawan ng Kristo.” (Ro 7:4) Nang manampalataya ang mga Kristiyano sa hain ni Kristo, sila ay “namatay . . . may kinalaman sa Kautusan.” Dahil ang Kautusan ang umakay kay Pablo sa Kristo, masasabi ni Pablo na “sa pamamagitan ng Kautusan, namatay [siya] may kinalaman sa Kautusan.”—Tingnan ang study note sa Gal 3:24 at 3:25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share