-
Galacia 3:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Mga kapatid, gagamit ako ng ilustrasyon na pamilyar sa tao: Kapag nabigyang-bisa na ang isang tipan, kahit ng isang tao lang, hindi ito puwedeng ipawalang-bisa o dagdagan ng sinuman.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tipan: Ang salitang Griego na di·a·theʹke ay ginamit nang 33 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at lagi itong tumutukoy sa isang “tipan” o “kasunduan.” (Mat 26:28; Luc 22:20; 1Co 11:25; Gal 3:17; 4:24; Heb 8:6, 8; 10:16, 29; 12:24) Sa maraming Bibliya, ang salitang Griego na di·a·theʹke sa talatang ito ay isinaling “testamento” ng isang tao. Pero dahil ang pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham ang tinatalakay sa konteksto (Gal 3:16-18), lumilitaw na angkop dito ang saling “tipan.”—Tingnan ang study note sa Gal 3:17.
-