Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngayon, ang mga pangako ay ibinigay kay Abraham at sa kaniyang supling.*+ Hindi sinabi ng kasulatan na “at sa mga supling* mo,” na marami ang tinutukoy. Ang sabi ay “at sa supling* mo,” na isa lang ang tinutukoy, si Kristo.+

  • Galacia 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngayon ang mga pangako ay sinalita kay Abraham+ at sa kaniyang binhi.+ Hindi nito sinasabi: “At sa mga binhi,” gaya ng sa marami, kundi gaya ng sa iisa:+ “At sa iyong binhi,”+ na si Kristo.+

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:16

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      7/2022, p. 16

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 424

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 18

      Ang Bantayan,

      2/1/1989, p. 12

      Mabuhay Magpakailanman, p. 117-118

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:16

      ang mga pangako ay ibinigay kay Abraham at sa kaniyang supling: Sa patnubay ng espiritu, tinukoy ni Pablo si Jesu-Kristo na pangunahing bahagi ng supling ni Abraham. (Ang salitang Griego na sperʹma, na sa literal ay “binhi,” ay karaniwan nang isinasaling “supling” kapag may kaugnayan ito sa mga pangako ni Jehova tungkol sa Mesiyas. Tingnan ang Ap. A2.) Pagkatapos ng rebelyon sa Eden, nangako si Jehova na isang “babae” ang magkakaroon ng “supling” na dudurog sa ulo ng ahas na si Satanas. (Gen 3:15) Sinabi ni Jehova nang makipagtipan siya kay Abraham na ang supling nito ay magdadala ng mga pagpapala sa mga tao. (Gen 12:1-3, 7; 13:14, 15; 17:7; 22:15-18; 24:7; Gal 3:8) Sinabi rin ng Diyos na ang supling ay manggagaling kay Haring David na mula sa tribo ni Juda, at nagkatotoo iyan kay Jesus. (Gen 49:10; Aw 89:3, 4; Luc 1:30-33; tingnan ang study note sa mga supling mo . . . supling mo sa talatang ito.) Sa Gal 3:26-29, ipinakita ni Pablo na sa espirituwal na katuparan ng pangako kay Abraham, magkakaroon ng pangalawahing bahagi ang supling niya.—Tingnan ang study note sa Gal 3:29.

      Hindi sinabi ng kasulatan: O posibleng “Hindi niya sinabi.” Sa Griego, puwedeng ang tinutukoy dito ay ang bahagi ng Kasulatan na sinipi ni Pablo o ang Diyos.

      mga supling mo . . . supling mo: Lit., “mga binhi mo . . . binhi mo.” Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang mga pangako ng Diyos kay Abraham at sa kaniyang “supling.” (Gen 12:7; 13:14, 15; 17:7; 22:17, 18; 24:7) Sa mga pangakong iyon tungkol sa “supling” (lit., “binhi”) ni Abraham, nasa anyong pang-isahan ang ginamit na mga terminong Hebreo at Griego. Pero kadalasan na, tumutukoy ang mga terminong ito sa isang grupo. Dito, parehong ginamit ni Pablo ang anyong pangmaramihan (“mga supling”) at anyong pang-isahan (“supling”) ng salitang Griego na sperʹma. Gusto niya kasing ipakita na kapag ang pinag-uusapan ay ang mga pagpapalang magmumula sa supling ni Abraham, isang indibidwal lang ang tinutukoy ng Diyos, si Kristo. Nang sabihin ng Diyos na pagpapalain ang lahat ng pamilya sa lupa sa pamamagitan ng “supling” ni Abraham, hindi iyon puwedeng tumukoy sa lahat ng inapo niya, dahil hindi naman ginamit ni Jehova ang mga inapo ni Abraham kay Ismael at sa mga anak niya kay Ketura para pagpalain ang mga tao. Ang ipinangakong supling ay partikular nang manggagaling kay Isaac (Gen 21:12; Heb 11:18), sa angkan ng anak ni Isaac na si Jacob (Gen 28:13, 14), sa tribo ng Juda (Gen 49:10), at sa linya ni David (2Sa 7:12-16). Si Jesus ay inapo ni Abraham sa partikular na angkang iyan. (Mat 1:1-16; Luc 3:23-34) Kaya iisa lang talaga ang inaabangan ng mga Judio noong unang siglo C.E. na Mesiyas, o Kristo, na magliligtas sa kanila. (Luc 3:15; Ju 1:25; 7:41, 42) Iniisip din nila na dahil literal na mga inapo sila ni Abraham, espesyal na bayan sila at mga anak ng Diyos.—Ju 8:39-41.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share