Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 3:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang persona lang ang sangkot, at ang Diyos ay iisa lang.

  • Galacia 3:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ngayon ay walang tagapamagitan kapag iisang persona lamang ang nasasangkot, ngunit ang Diyos ay iisa lamang.+

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:20

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1324

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:20

      Hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang persona lang ang sangkot: Tinatalakay dito ni Pablo ang pakikipagtipan ni Jehova kay Abraham. Si Jehova ang nakipagtipan, o nangako, at siya rin ang tutupad nito. Wala siyang hininging kondisyon kay Abraham. (Gal 3:18) Sa tipang Kautusan naman, may kailangang gawin ang dalawang panig—si Jehova at ang bansang Israel. Si Moises ang tagapamagitan nito. (Tingnan ang study note sa Gal 3:19.) Sumang-ayon ang Israel sa mga kahilingan ng tipan, at nangako sila sa Diyos na susundin nila ang Kautusan.—Exo 24:3-8; Gal 3:17, 19; tingnan sa Glosari, “Tipan.”

      ang Diyos ay iisa lang: ”Diyos” ang mababasa rito sa mga manuskritong Griego, pero may ilang salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Hebreo at iba pang wika na gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Ang sinabi ni Pablo ay katulad ng mababasa sa Deu 6:4: “Si Jehova na Diyos natin ay nag-iisang Jehova.” Sumipi si Jesus sa Deu 6:4, gaya ng mababasa sa Mar 12:29. (Tingnan ang mga study note.) Diyan din ibinatay ni Pablo ang sinabi niya sa Ro 3:30 at 1Co 8:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share