-
Galacia 3:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Pero ibinigay ng Kasulatan ang lahat ng bagay sa kontrol ng kasalanan, para ang pangakong nakasalig sa pananampalataya kay Jesu-Kristo ay maibigay sa mga nananampalataya.
-
-
Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kontrol ng kasalanan: Ang pandiwang Griego na isinaling “ibinigay . . . sa kontrol ng” ay nangangahulugang “ikulong nang magkasama; sukulin.” Ipinapahiwatig nito na napakaliit ng tsansa o imposible na makatakas ang isa. Sa literal, puwede itong tumukoy sa paghuli ng mga isda sa pamamagitan ng lambat. (Luc 5:6) Malinaw na inilalarawan ng salitang ito ang kalagayan ng di-perpektong mga tao na nabihag ng kasalanan. Sinabi ni Pablo na “ibinigay ng Kasulatan ang lahat ng bagay,” o ang lahat ng inapo ng makasalanang sina Adan at Eva, “sa kontrol ng kasalanan.” Malinaw na ipinapakita ng Kasulatan, na naglalaman ng Kautusan, kung gaano kalaki ang kasalanan ng bawat tao sa paningin ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Gal 3:19.) Si Kristo lang ang makakapagpalaya sa mga tao mula sa kontrol ng kasalanan.
-