Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Gayon din tayo; noong mga bata pa tayo, alipin tayo ng mga bagay* sa sanlibutan.+

  • Galacia 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Gayundin naman tayo, noong tayo ay mga sanggol pa, ay patuloy na napaaalipin sa mga panimulang+ bagay na nauukol sa sanlibutan.

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:3

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1084-1085

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:3

      mga bagay: O “panimulang mga bagay.” Puwede itong tumukoy sa pangunahing mga elemento ng anumang bagay, gaya ng bawat tunog at letra ng alpabetong Griego, ang pangunahing mga elemento na ginagamit para makabuo ng salita. Negatibo ang pagkakagamit ni Pablo sa ekspresyong ito dito at sa Col 2:8, 20. Tumutukoy ito sa pangunahing mga ideya na gumagabay sa sanlibutan, ang lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos. Kasama dito ang (1) mga pilosopiya na batay sa pangangatuwiran ng tao at mitolohiya (Col 2:8), (2) di-makakasulatang mga turo ng mga Judio na nagtataguyod ng pagkakait sa sarili at ‘pagsamba sa mga anghel’ (Col 2:18), at (3) turo na dapat sundin ng mga Kristiyano ang Kautusang Mosaiko para maligtas (Gal 4:4–5:4; Col 2:16, 17). Hindi kailangan ng mga Kristiyano sa Galacia ang ganoong “panimulang mga bagay,” dahil nakatataas ang paraan ng pagsamba nila na batay sa pananampalataya kay Kristo Jesus. Ang mga Kristiyano ay hindi dapat maging gaya ng mga bata na alipin ng panimulang mga bagay—hindi na sila dapat magpasailalim sa Kautusang Mosaiko, na inihalintulad ni Pablo sa isang tagapagbantay. (Gal 3:23-26) Sa halip, dapat silang maging maygulang na mga anak ng kanilang Ama, ang Diyos. Hindi sila dapat bumalik sa pagsunod sa Kautusan o sa “mahihina at walang-kabuluhang mga bagay” na itinataguyod ng mga hindi sumusunod kay Kristo.—Gal 4:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share