Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Mahal kong mga anak,+ nakararanas na naman ako ng kirot ng panganganak dahil sa inyo, at mararamdaman ko ito hanggang sa matularan ninyo ang personalidad ni Kristo.

  • Galacia 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 mumunti kong mga anak,+ na muli kong ipinagdaranas ng mga kirot ng panganganak hanggang sa maianyo sa inyo si Kristo.+

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:19

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 584

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:19

      Mahal kong mga anak: O “Maliliit kong anak.” Sa talatang ito, inihalintulad ni Pablo ang sarili niya sa isang ina at ang mga taga-Galacia naman, sa mga anak niya. Sinabi niya sa mga Kristiyanong iyon: Nakararanas na naman ako ng kirot ng panganganak dahil sa inyo. Makikita dito kung gaano kamahal ni Pablo ang mga taga-Galacia at na gustong-gusto niyang sumulong sila bilang mga Kristiyano. Ang ginamit ng ilang sinaunang manuskrito dito ay ang salitang Griego para sa “anak” (teʹknon), pero may ibang maaasahang manuskrito na gumamit ng pangmaliit na anyo (te·kniʹon) ng salitang iyan. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangmaliit na anyo ay kadalasan nang ginagamit para magpahiwatig ng pagmamahal at pagiging pamilyar, kaya ang salitang Griegong ito ay isinalin ditong “mahal kong mga anak.”—Tingnan sa Glosari, “Pangmaliit na anyo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share