Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 4:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang mga bagay na ito ay isang makasagisag na drama, dahil ang mga babaeng ito ay sumasagisag sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa Bundok Sinai,+ na nagsilang ng mga anak para sa pagkaalipin, at siya si Hagar.

  • Galacia 4:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang mga bagay na ito ay nagsisilbing isang makasagisag na drama;+ sapagkat ang mga babaing ito ay nangangahulugan ng dalawang tipan,+ ang isa ay mula sa Bundok Sinai,+ na nagluluwal ng mga anak ukol sa pagkaalipin, na siyang si Hagar.

  • Galacia
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:24

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 281, 876, 1058

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1032

      Ang Bantayan,

      10/15/2014, p. 10

      3/15/1992, p. 14

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 18

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:24

      isang makasagisag na drama: Gumamit dito si Pablo ng isang talinghaga, kung saan ang mga tao, bagay, at pangyayari ay may isinasagisag. Sa makasagisag na dramang ito batay sa Genesis 16 hanggang 21, pinagkumpara ni Pablo ang “malayang babae” (Sara) at ang “alilang babae” (Hagar).—Gal 4:22–5:1; tingnan sa Media Gallery, “Dalawang Babae sa Isang Makasagisag na Drama.”

      ang mga babaeng ito ay sumasagisag sa dalawang tipan: Lumilitaw na ang mga tipang ito ay ang tipan ng Kautusang Mosaiko at ang Abrahamikong tipan. Hindi naman kumakatawan sina Hagar at Sara sa mismong mga tipang ito. Pero sa dramang ito na isa ring hula, ginamit sila para ipakita ang magkaibang aspekto ng kaugnayan ng Diyos sa bayan niya—ang tipang Kautusan na nagdudulot ng pagkaalipin at ang Abrahamikong tipan na umaakay sa tunay na kalayaan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share