Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Galacia 5:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil ang makalamang mga pagnanasa ay laban sa espiritu, at ang espiritu ay laban sa laman; magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo ginagawa ang mga bagay na gusto ninyong gawin.+

  • Galacia 5:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sapagkat ang laman ay laban sa espiritu+ sa pagnanasa nito, at ang espiritu ay laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay magkalaban sa isa’t isa, anupat ang mismong mga bagay na ibig ninyong gawin ay hindi ninyo ginagawa.+

  • Mga Study Note sa Galacia—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:17

      espiritu . . . laman: Sa kabanatang ito, madalas ipakita ni Pablo na magkalaban ang “laman” at “espiritu.” Dito, ang “laman” ay tumutukoy sa pagiging makasalanan ng mga tao at ang “espiritu” naman ay tumutukoy sa banal na espiritu ng Diyos, pero puwede rin itong tumukoy sa puwersang nagpapakilos sa isang taong nagpapagabay sa banal na espiritu. (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Ang espiritu ng Diyos ang nagpapakilos sa mga lingkod niya na maging matuwid, pero patuloy na nilalabanan ng makasalanang laman ang impluwensiya ng espiritu. Sa Gal 5:19-23, pinagkumpara ang mga gawa ng makasalanang laman at ang bunga ng banal na espiritu.—Ihambing ang Ro 7:18-20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share