-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patay kayo dahil sa inyong mga pagkakamali at kasalanan: Sa Bibliya, ginagamit kung minsan ang kamatayan at buhay sa makasagisag, o espirituwal, na diwa. Sinasabi dito ni Pablo na ang mga Kristiyano sa Efeso ay ‘patay noon dahil sa kanilang mga pagkakamali at kasalanan.’ Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang Griego para sa “patay” sa talatang ito ay nangangahulugang “pagiging bagsak sa moral at espirituwal ng isang tao, at dahil doon, maituturing siyang patay.” Pero ipinapakita dito ni Pablo na para kay Jehova, buháy ang mga pinahirang Kristiyano dahil pinagsisihan na nila ang makasalanan nilang pamumuhay at nanampalataya sila sa hain ni Jesus.—Efe 2:5; Col 2:13; tingnan ang study note sa Luc 9:60; Ju 5:24, 25.
-