Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 2:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 at itinayo kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta,+ at si Kristo Jesus mismo ang pinakamahalagang batong pundasyon.*+

  • Efeso 2:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 at kayo ay itinayo na sa pundasyon+ ng mga apostol+ at mga propeta,+ samantalang si Kristo Jesus mismo ang pundasyong batong-panulok.+

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:20

      pinakamahalagang batong pundasyon: Dalawang beses lang lumitaw ang ekspresyong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa 1Pe 2:6. Si Jesus ang “pinakamahalagang batong pundasyon” ng kongregasyong Kristiyano, na inihalintulad ni Pablo sa isang gusali. (Efe 2:21) Ang terminong Griego na isinalin ditong “pinakamahalagang batong pundasyon” ay lumitaw nang isang beses sa Septuagint, sa hula tungkol sa Mesiyas sa Isa 28:16. Doon, sinabi ni Jehova na gagawin niyang “pundasyon sa Sion ang isang subok na bato, ang mahalagang batong-panulok ng isang matibay na pundasyon.” Sinipi ni Pedro ang hulang ito at ipinakitang tumutukoy ito kay Jesus. (1Pe 2:4-6) Inilalagay ang pinakamahalagang batong-panulok sa kanto ng isang istraktura, gaya ng gusali o mga pader ng lunsod, kung saan nagdurugtong ang dalawang pader. Pinagdurugtong-dugtong nito ang iba pang mga bato. Dapat na nakapuwesto kaayon ng batong-panulok ang lahat ng iba pang bato sa gusali para maging matibay ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share