-
Efeso 4:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Dahil sa kaniya, ang lahat ng bahagi ng katawan+ ay nagkakabuklod at nagtutulungan sa pamamagitan ng bawat kasukasuan para maibigay ang pangangailangan ng katawan. Kapag ginagawang mabuti ng bawat bahagi ang papel nito, nakatutulong ito para lumakas ang buong katawan habang tumitibay ito dahil sa pag-ibig.+
-
-
Efeso 4:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Mula sa kaniya ang buong katawan,+ palibhasa’y magkakasuwatong pinagbubuklod at pinapangyaring magkatulungan sa pamamagitan ng bawat kasukasuan na nagbibigay ng kinakailangan, ayon sa pagkilos ng bawat isang sangkap sa kaukulang sukat, ay gumagawa sa ikalalaki ng katawan sa ikatitibay nito sa pag-ibig.+
-
-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagkakabuklod: Gumamit dito si Pablo ng isang pandiwang Griego na sa kontekstong ito ay lumalarawan sa pagtutulungan ng iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao. May papel na ginagampanan ang bawat bahagi para gumana nang maayos ang katawan. Sa katulad na paraan, nagtutulungan din ang mga Kristiyano sa kongregasyon sa pangangasiwa ng kanilang ulo, si Kristo. (Efe 1:22, 23; 4:4, 15) Kapag nagkakaisa ang lahat at ginagampanan ng bawat isa ang atas niya at nagpapasakop siya sa pagkaulo ni Kristo, sumusulong ang kongregasyon at napapanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. (1Co 12:14-27; Col 2:19; 3:14) Ito rin ang salitang Griego na ginamit ni Pablo sa Efe 2:21 (tingnan ang study note), kung saan ikinumpara niya ang kongregasyon sa isang gusali na “matibay ang pagkakadugtong-dugtong.”
nagtutulungan: Lit., “nagsama-sama.” Ayon sa isang diksyunaryo, ang pandiwang Griego para dito ay nangangahulugang “magsama-sama bilang isang grupo, magkaisa.”
bawat kasukasuan: Ang mga bahagi ng katawan ng tao ay pinagdurugtong-dugtong ng mga kasukasuan. Inilalaan ni Jesu-Kristo sa mga bahagi ng katawan, o ng kongregasyon ng pinahirang mga Kristiyano, ang mga kailangan nila “sa pamamagitan ng bawat kasukasuan.” Gumawa siya ng mga kaayusan sa pagpapakain sa espirituwal at pagbibigay ng mga tagubilin, at isinaayos niya rin ang mga gawain ng kongregasyon. Dahil dito, napapakaing mabuti sa espirituwal ang “katawan,” at nalalaman ng bawat bahagi kung paano niya dapat gampanan ang atas niya. (Efe 4:7-16; tingnan ang study note sa Col 2:19.) Ang terminong ginamit ni Pablo para sa “kasukasuan” ay ang karaniwang ginagamit ng mga doktor noon. May mga natagpuang ebidensiya na may paaralan sa medisina noon sa Efeso, na posibleng dahilan kung bakit ginamit ni Pablo ang katawan ng tao sa ilustrasyon niya.
-