-
Efeso 4:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Nasa dilim ang isip nila at malayo sila sa buhay na nagmumula sa Diyos dahil wala silang alam at manhid ang puso nila.
-
-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nasa dilim ang isip: Hindi sinasabi dito ni Pablo na hindi matalino ang mga di-sumasampalataya. Madalas ihalintulad ng Bibliya sa kadiliman ang kakulangan sa unawa, partikular na sa espirituwal na mga bagay. (Job 12:24, 25; Isa 5:20; 60:2; Ju 8:12; 2Co 4:6; Efe 1:17, 18; 5:8, 11; 1Pe 2:9; 1Ju 2:9-11) “Nasa dilim ang isip” ng mga hindi nakakakilala sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo dahil walang liwanag na gumagabay sa kanila.—Ju 17:3; Ro 1:21, 28; 2Co 4:4.
buhay na nagmumula sa Diyos: Ayon sa isang reperensiya, ang salitang Griego dito na isinaling “buhay” ay hindi tumutukoy sa paraan o istilo ng pamumuhay, kundi sa buhay mismo. (May ibang salitang Griego para sa paraan o istilo ng pamumuhay. Tingnan ang 1Ti 2:2; 1Ju 2:16, tlb.) Kaya sinasabi dito ni Pablo na dahil nasa dilim ang isip ng mga tao, naging malayo sila kay Jehova, o wala silang magandang kaugnayan sa Bukal ng buhay at nagbibigay ng pag-asang buhay na walang hanggan.—Aw 36:9; Ro 1:21; Gal 6:8; Col 1:21.
manhid: Manhid ang puso ng mga taong naiimpluwensiyahan ng pag-iisip at espiritu ng masamang sanlibutang ito. (1Co 2:12; Efe 2:2; 4:17) Kaya hindi sila interesadong makilala ang Diyos. Dito, ang pangngalang Griego na isinaling “manhid” ay galing sa isang termino sa medisina na puwedeng tumukoy sa balat na naging manhid dahil sa kalyo. Ginamit ito para ipakita kung paano puwedeng tumigas, o mamanhid, ang puso ng isang tao at mawalan ng ganang lumapit sa Diyos.
-