-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
huwag nang magnakaw pa: Malamang na malaki ang epekto ng mga salitang ito ni Pablo sa mahihirap na Kristiyano sa Efeso. Walang makuhang permanenteng trabaho ang ilan, at hindi laging sapat ang kinikita nila para buhayin ang kanilang pamilya, kaya baka marami ang natutuksong magnakaw. Hinimok ni Pablo ang mga Kristiyano na huwag magnakaw kahit ano pa ang dahilan nila. Sa halip, dapat silang magtrabaho nang husto. (Deu 5:19; 1Te 4:11) Bago nito, ipinaalala ni Pablo sa matatandang lalaki sa Efeso na siya mismo ay nagtrabahong mabuti. (Gaw 20:17, 34; tingnan din ang study note sa Gaw 18:3.) Para masunod ng mga taga-Efeso ang payong ito, kailangan nilang magtiwala sa pangako ni Kristo na ilalaan ng Diyos ang pangangailangan nila.—Mat 6:25-33.
-