Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 4:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Huwag din ninyong pighatiin* ang banal na espiritu ng Diyos,+ na ipinantatak sa inyo+ para sa araw ng pagpapalaya sa pamamagitan ng pantubos.+

  • Efeso 4:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Gayundin, huwag ninyong pighatiin ang banal na espiritu ng Diyos,+ na ipinantatak+ sa inyo ukol sa araw ng pagpapalaya sa pamamagitan ng pantubos.+

  • Efeso
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:30

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1303

      Kaunawaan, p. 581, 721

      Ang Bantayan,

      5/15/2010, p. 28-32

      1/1/2007, p. 31

      5/15/2004, p. 29-30

      3/15/2001, p. 17-18

      3/1/1998, p. 15

      3/15/1993, p. 14

      9/15/1992, p. 17-18

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:30

      Huwag . . . pighatiin ang banal na espiritu ng Diyos: Ang salitang Griego para sa “pighatiin” ay puwede ring isaling “palungkutin.” Gumamit dito si Pablo ng personipikasyon nang sabihin niyang ang banal na espiritu, na isang puwersa, ay nasasaktang gaya ng isang tao. (Ihambing ang study note sa Ju 16:8, 13; Ro 8:27.) Ginagamit ng Diyos ang kaniyang banal na espiritu para gabayan at palakasin ang bayan niya. Dahil sa banal na espiritu, naipapakita ng isa ang magagandang katangian na tinatawag na “bunga ng espiritu.” (Gal 5:22-24) Ang mga hindi nagpapahalaga sa banal na espiritu, mga sadyang sumasalungat dito, at sumusuway sa mga payo sa Bibliya na isinulat sa patnubay ng espiritu ay ‘pumipighati’ rito.—Efe 4:17-29; 5:1-5; Isa 63:10; Gaw 7:51.

      ipinantatak sa inyo para sa araw ng pagpapalaya sa pamamagitan ng pantubos: Ang mga pinahirang Kristiyano ay tinatakan ng banal na espiritu ni Jehova. Ipinapakita ng pagtatatak na pag-aari sila ng Diyos at may pag-asa silang mabuhay sa langit.—Tingnan ang mga study note sa 2Co 1:22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share