Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Magpaalipin kayo nang may magandang saloobin, na parang kay Jehova* kayo naglilingkod+ at hindi sa mga tao,

  • Efeso 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Maging mga alipin kayo na may mabubuting saloobin, gaya ng kay Jehova,+ at hindi sa mga tao,

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:7

      na parang kay Jehova kayo naglilingkod at hindi sa mga tao: Sa kontekstong ito, pinapasigla ni Pablo ang mga aliping naging Kristiyano na maging masunurin sa mga taong “panginoon” nila. (Efe 6:5) Dapat silang maglingkod sa mga ito na “gaya ng alipin ni Kristo, na buong kaluluwang ginagawa ang kalooban ng Diyos.” (Efe 6:6) Idiniin ni Pablo na anuman ang ginagawa nila, dapat nilang isaisip ang kaugnayan nila sa Diyos na Jehova. Kapag sinusunod at iginagalang nila ang mga taong panginoon nila, o mga nagmamay-ari sa kanila, hindi nila nadurungisan ang “pangalan ng Diyos.” (1Ti 6:1) Ganito rin ang payo ni Pablo sa mga alipin sa liham niya sa mga taga-Colosas, na isinulat niya nang mga panahon ding isinulat niya ang liham niya sa mga taga-Efeso.—Col 3:22-24; tingnan ang “Introduksiyon sa Efeso”; para sa paliwanag kung bakit ginamit dito ang pangalan ng Diyos, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Efe 6:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share