Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 6:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kasabay nito, sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng panalangin+ at pagsusumamo ay patuloy kayong manalangin sa bawat pagkakataon kaayon ng espiritu.+ Para magawa ito, manatili kayong gisíng at laging magsumamo para sa lahat ng banal.

  • Efeso 6:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 samantalang sa bawat uri ng panalangin+ at pagsusumamo ay nagpapatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.+ At sa layuning iyan ay manatili kayong gising nang may buong katatagan at may pagsusumamo alang-alang sa lahat ng mga banal,

  • Efeso
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:18

      Itinuturo, p. 113

      Itinuturo ng Bibliya, p. 104-105

      Ang Bantayan,

      11/15/2013, p. 3-4

      9/15/2004, p. 20

      4/15/1999, p. 21-22

      5/15/1992, p. 23

      9/1/1988, p. 18

      Gumising!,

      7/22/2000, p. 8

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:18

      iba’t ibang uri ng panalangin: Bukod sa “kumpletong kasuotang pandigma” na tinalakay ni Pablo, may binanggit siyang isa pang mahalagang bagay. (Efe 6:11, 14-17) Ang salitang Griego para sa “panalangin” ay isang malawak na termino na tumutukoy sa pakikipag-usap sa Diyos nang may matinding paggalang, at may “iba’t ibang uri” ito, gaya ng panalangin ng pasasalamat, papuri, at paghingi ng tawad. Ang pagsusumamo ay marubdob na pakiusap sa Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 4:31.) Puwedeng iba-iba ang uri ng panalangin at pagsusumamo ng isang tao depende sa pangangailangan at kalagayan niya.

      sa bawat pagkakataon: Kung minsan, nananalangin ang mga tao sa harap ng publiko; may mga pagkakataon naman na pribado ito at personal. Regular na nananalangin ang mga lingkod ng Diyos, halimbawa, tuwing kumakain. At nananalangin din sila kapag biglang hiniling ng pagkakataon. Kapag regular na nananalangin ang isang mananamba ni Jehova, tumitibay ang kaugnayan niya sa Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share