-
Filipos 1:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Totoo, ang ilan ay nangangaral tungkol sa Kristo dahil sa inggit at pakikipagpaligsahan, pero mabuti ang motibo ng iba.
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang ilan ay nangangaral tungkol sa Kristo dahil sa inggit at pakikipagpaligsahan: May ilan noon na mali ang motibo sa paglilingkod sa Diyos. Malamang na kasama rito ang mga Judio na naging Kristiyano pero hindi nanghawakan sa katotohanang itinuro ni apostol Pablo. Mas mahalaga sa kanila na hangaan sila at ang mga ideya nila kaysa sa maluwalhati ang Diyos. (Gal 6:12, 13) Nainggit sila sa magandang reputasyon, awtoridad, at impluwensiya ni Pablo, kaya siniraan nila siya. (Fil 1:17) Pero masaya pa rin si Pablo dahil nakita niyang naihahayag pa rin ang tungkol sa Kristo.—Fil 1:18.
pero mabuti ang motibo ng iba: May mga Kristiyano na malinis ang motibo sa pangangaral ng mensahe tungkol sa Kristo. Nagpakita rin sila ng kabutihang-loob sa mga kinatawan ni Kristo, kasama na si Pablo. Dahil dito, sinasang-ayunan din sila ng Diyos, o pinagpapakitaan ng kabutihang-loob.—Aw 106:4; Kaw 8:35.
-