-
Filipos 1:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Lamang ay gumawi kayo sa paraang karapat-dapat+ sa mabuting balita tungkol sa Kristo, upang, dumating man ako at makita kayo o wala man ako riyan, marinig ko ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa inyo, na kayo ay nakatayong matatag sa isang espiritu, na may isang kaluluwa+ at nagpupunyaging magkakaagapay para sa pananampalataya sa mabuting balita,
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kumilos: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ni Pablo ay kaugnay ng mga salitang Griego para sa “pagkamamamayan” (Fil 3:20) at “mamamayan” (Gaw 21:39). Karaniwan nang aktibong nakikipagtulungan sa Estado ang mga mamamayang Romano dahil napakahalaga sa kanila ng kanilang pagkamamamayan at alam nilang ang mga pribilehiyo nila ay may kasamang mga pananagutan. (Gaw 22:25-30) Kaya nang gamitin ni Pablo ang isang anyo ng pandiwang ito may kaugnayan sa pagkilos nang nararapat para sa mabuting balita tungkol sa Kristo, tinutukoy niya ang pakikibahagi sa mga gawain ng isang Kristiyano, lalo na sa paghahayag ng mabuting balita. Malamang na naiintindihan ng mga taga-Filipos ang punto ni Pablo tungkol sa aktibong pakikibahagi dahil nakatanggap din sila ng isang uri ng pagkamamamayan mula sa Roma.—Tingnan ang study note sa Gaw 23:1; Fil 3:20.
nagkakaisa: O “gaya ng iisang tao.”—Tingnan ang study note sa Gaw 4:32.
-