-
Filipos 2:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At kung paanong lagi kayong sumusunod, mga minamahal, hindi lang kapag kasama ninyo ako kundi lalo na kapag wala ako riyan, patuloy rin ninyong gawin ang buong makakaya ninyo nang may takot at panginginig para maligtas kayo.
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kasama ninyo ako . . . wala ako riyan: Ginamit dito ni Pablo ang salitang Griego na pa·rou·siʹa para tumukoy sa panahong makakasama siya ng mga Kristiyano sa Filipos. Ang ganiyang kahulugan ay batay sa iba pang sinabi ni Pablo sa tekstong ito, kung saan ginamit din niya ang salitang Griego na a·pou·siʹa, na tumutukoy sa panahong hindi niya sila kasama, kabaligtaran ng pa·rou·siʹa. Ginamit din ang salitang Griego na pa·rou·siʹa para tumukoy sa di-nakikitang presensiya ni Jesu-Kristo mula nang gawin siyang Mesiyanikong Hari sa langit sa pasimula ng mga huling araw ng sistemang ito.—Tingnan ang study note sa Mat 24:3; 1Co 15:23; Fil 1:26.
patuloy rin ninyong gawin ang buong makakaya ninyo: Ang salitang Griego na ginamit dito ay pangunahin nang nangangahulugang “makamit; maabot; maisakatuparan.” Pero ang anyo ng pandiwa sa talatang ito ay nagpapakita ng patuluyang pagkilos, kaya nangangahulugan ito ng patuloy na pagsisikap para maisakatuparan ang isang bagay.
-