Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dahil pinasisigla kayo ng Diyos at ibinibigay sa inyo ang pagnanais at lakas para kumilos kayo ayon sa kagustuhan* niya.

  • Filipos 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 sapagkat ang Diyos ang isa na alang-alang sa kaniyang ikinalulugod ay kumikilos sa loob ninyo+ upang kapuwa ninyo loobin at ikilos.+

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:13

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 12

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      10/2019, p. 21

      Ang Bantayan,

      8/15/2008, p. 28

      11/1/1998, p. 18

      11/15/1988, p. 12, 13-14

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:13

      pinasisigla kayo ng: O “kumikilos sa loob ninyo ang.” Dalawang beses na lumitaw sa talatang ito ang salitang Griego na e·ner·geʹo; ang una ay isinaling “pinasisigla” at ang isa pa ay “ibinibigay sa inyo ang . . . lakas para kumilos.” Ang banal na espiritu, o aktibong puwersa ng Diyos, ang mapagkukunan ng di-nauubos na kapangyarihan, o lakas, sa uniberso. Ito ang ginamit ng Diyos para lalangin ang lahat ng bagay. (Gen 1:2; Aw 104:30; Isa 40:26) Banal na espiritu rin ang ibinibigay ni Jehova sa mga lingkod niya na nangangailangan ng “lakas para kumilos” kapag nanghihina sila. (Isa 40:31) Nakakatulong din ang espiritu ni Jehova para mapasulong ng isa ang kakayahan niya ayon sa pangangailangan. (Luc 11:13; 2Co 4:7) Madalas itong maranasan ni apostol Pablo; ibinibigay niya ang buo niyang makakaya sa paglilingkod, at pinupunan ng Diyos ang anumang kulang.—Fil 4:13; Col 1:29.

      ibinibigay sa inyo ang pagnanais: Dahil sa pagkasira ng loob, mga pagkabigo, at iba pang bagay, nawawalan ng pagnanais ang ilang lingkod ng Diyos na patuloy na maglingkod—o mabuhay pa nga. (1Ha 19:4; Aw 73:13, 14; Jon 4:2, 3) Ipinapakita dito ni Pablo na kung nawawalan ng ganitong pagnanais ang isang tao, handa siyang tulungan ng Diyos, lalo na kung lalapit siya sa Kaniya.—Aw 51:10, 11; 73:17, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share