Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Umaasa ako na maisugo agad sa inyo si Timoteo,+ kung kalooban ng Panginoong Jesus, para mapatibay ako kapag nakabalita ako tungkol sa inyo.

  • Filipos 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sa ganang akin ay umaasa ako sa Panginoong Jesus na maisugo sa inyo si Timoteo sa di-kalaunan, upang ako ay maging isang masayang kaluluwa+ kapag nalaman ko ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa inyo.

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:19

      Ang Bantayan,

      9/15/1999, p. 30

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:19

      Umaasa ako na maisugo . . . sa inyo si Timoteo: Hindi sinasabi sa ulat kung paano naglakbay si Timoteo mula sa Roma papuntang Filipos. Ang mga naglalakbay noon mula sa Roma pasilangan ay puwedeng dumaan sa mga kalsadang ipinagawa ng Roma, pero puwede rin silang maglayag. Pareho itong mahirap. Noong panahon ni Timoteo, mahirap makasakay ng barko, at sa kubyerta (bukás na palapag ng barko) lang nagpapalipas ng gabi ang mga pasahero anuman ang lagay ng panahon. Nakakahilo ang maalong dagat, at puwede rin nitong mawasak ang barko. Ang mga naglalakad naman papuntang Filipos ay inaabot nang mga 40 araw. Posibleng dumadaan muna sila sa Daang Apio, pagkatapos ay sandaling maglalayag patawid sa Dagat ng Adria, dadaan ulit sa kalsada, na posibleng ang Daang Egnatia, hanggang sa makarating sila sa Filipos. (Tingnan ang Ap. B13.) Pagtitiisan nila ang matinding sikat ng araw, ulan, init, o lamig, at puwede rin silang harangin ng mga magnanakaw. Hindi rin maganda ang mga bahay-tuluyan noon, marumi, siksikan, at maraming peste. (Ihambing ang study note sa Gaw 28:15.) Pero sigurado si Pablo na handa si Timoteo na pumunta sa Filipos at maglakbay ulit pabalik sa kaniya para ‘balitaan’ siya tungkol sa kalagayan ng mga Kristiyano doon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share