Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 dahil muntik na siyang mamatay alang-alang sa gawain ng Kristo;* isinapanganib niya ang buhay* niya para may mag-asikaso sa akin kahit wala kayo rito.+

  • Filipos 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 sapagkat dahil sa gawain ng Panginoon ay napasabingit siya ng kamatayan, na inilalantad sa panganib ang kaniyang kaluluwa,+ nang sa gayon ay lubusan niyang mapunan ang inyong pagiging wala rito upang mag-ukol ng pribadong paglilingkod sa akin.+

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:30

      Ang Bantayan,

      8/15/1996, p. 28

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:30

      gawain ng Kristo: O posibleng “gawain ng Panginoon.” Sa ilang sinaunang manuskrito, “Panginoon” ang mababasa dito, pero kung pagbabatayan ang iba pang mga manuskrito, matibay ang basehan ng saling ito.

      isinapanganib niya ang buhay niya: Lumilitaw na may kasamang panganib sa atas ni Epafrodito na pumunta sa Roma para magdala ng ilang pangangailangan ni Pablo sa bilangguan. Posibleng nagkasakit si Epafrodito nang malubha dahil mahirap ang paglalakbay noong unang siglo at marumi ang mga tuluyan. (Fil 2:26, 27) Anuman ang dahilan ng pagkakasakit niya, sinabi ni Pablo na “muntik na siyang [si Epafrodito] mamatay alang-alang sa gawain ng Kristo.” Kaya tama lang na komendahan ni Pablo si Epafrodito at pasiglahin ang kongregasyon sa Filipos na “malugod . . . siyang tanggapin gaya ng pagtanggap [nila] sa mga tagasunod ng Panginoon” at ‘laging pahalagahan ang gayong tao.’—Fil 2:29; tingnan ang study note sa Fil 2:25, 26 at Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share