Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 tinuli nang ikawalong araw,+ mula sa bansang Israel, mula sa tribo ni Benjamin, isang Hebreo na may mga magulang na Hebreo;+ kung tungkol sa kautusan, isang Pariseo;+

  • Filipos 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 tinuli nang ikawalong araw,+ mula sa angkan ng pamilya ni Israel, sa tribo ni Benjamin,+ isang Hebreo na ipinanganak mula sa mga Hebreo;+ kung may kinalaman sa kautusan, isang Pariseo;+

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:5

      mula sa tribo ni Benjamin: Sa talatang ito at sa Ro 11:1, binanggit ni Pablo na mula siya sa tribo ni Benjamin para idiin na isa talaga siyang Judio. Iginagalang na tribo ang Benjamin. Ganito ang inihula ng patriyarkang si Jacob bago siya mamatay tungkol sa mga inapo ni Benjamin: “Si Benjamin ay patuloy na manlalapa na tulad ng lobo. Kakainin niya sa umaga ang nahuling hayop, at hahatiin niya sa gabi ang samsam.” (Gen 49:27) Talaga namang maraming Benjaminita na mahusay na mandirigma. Matapang sila na gaya ng mga lobo, at ipinagtanggol nila ang bayan ni Jehova. May ilang Benjaminita na tumupad sa hulang ito “sa umaga,” o sa pasimula ng paghahari na itinatag ni Jehova sa Israel; tinupad naman ito ng ibang Benjaminita “sa gabi,” o nang magtapos na ang linya ng mga hari sa Israel. (1Sa 9:15-17; 1Cr 12:2; Es 2:5-7) Masasabi ring matapang na mandirigma si Pablo; sa espirituwal na pakikipagdigma niya, ipinagtanggol niya ang katotohanan laban sa maling mga turo at kaugalian. Tinuruan niya rin ang napakaraming Kristiyano kung paano maging mahusay na mandirigma sa espirituwal.—Efe 6:11-17.

      isang Hebreo na may mga magulang na Hebreo: Ang punto dito ni Pablo ay katulad ng sinabi niya sa 2Co 11:22, kung saan idinidiin niya ang pagiging Judio niya. (Tingnan ang study note.) Sinasabi dito ni Pablo na isa siyang purong Hebreo at walang dugo na di-Judio. Posibleng sinabi ito ni Pablo bilang sagot sa huwad na mga guro na ipinagyayabang ang lahi nila at kumukuwestiyon sa pagiging Judio ni Pablo. Pero idiniin ni Pablo na hindi gaanong mahalaga sa kaniya ang lahi niya.—Tingnan ang study note sa Fil 3:7, 8.

      kung tungkol sa kautusan, isang Pariseo: Tinutukoy dito ni Pablo ang edukasyong tinanggap niya sa Judaismo. Posibleng ang ibig niyang sabihin ay pinalaki siya ng mga magulang niya ayon sa turo ng mga Pariseo, na isa sa mga grupong nagtataguyod ng Judaismo. (Tingnan ang study note sa Gaw 23:6.) May iba pang mga Kristiyano na mga Pariseo din noon. Sa Gaw 15:5 (tingnan ang study note), sila ang tinutukoy na mga “dating miyembro ng sekta ng mga Pariseo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share